
LAGI NA LANG ABAY..
Isang araw naglalakad sya sa loob ng simbahan, nakasimangot at bubulong-bulong. .Abay na naman ako, lagi na lang, wala ng pinagbago”,. sabi nya sa sarili.. pang-ilang beses na nga ba nya nag-abay,hindi na nya mabilang sa dami.
Maganda at may katamtamang pangagatawan, palakaibigan subalit wala kahit isa ang nag-aya sa kanya na magpakasal, ang marami ay kinukumbida sya na mag-abay at kumanta sa kasal…bakit nga ba lagi na lang sya Abay sa kasal?
Mga ilang taon na ang nakakalipas,may nag-imbita sa kanya na kumanta sa isang kasal,.tinanggap nya ang imbitasyon..ang lalaki ay ikakasal pa lang nang maging magkaibigan sila, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon sya ay nasa gitna nang pighati dahil ang kanyang minamahal ay biglang lumayo at nagmahal ng iba.,lumapit sya sa kaibigan na ikakasal pa lang at sya sana ang kakanta sa kasal ng kaibigan,humingi ng tulong para magkalapit sila ulit ng loob ng mutyang minamahal subalit ang kanyang lalaking iniirog ay lalong lumayo,.”isa lang ibig sabihin nito”.sabi nya sa sarili,.siguro ay hindi na nya ako mahal..at napag-isip-isip nya na siguro nga ay may mahal nang iba ang iniirog nya..pero naisip nya ulit paano na ang nangyari sa amin?..paano na..-hu-hu-hu…umiyak sya sa kanyang kaibigan,.at ang kaibigan ay tinulungan naman sya..at sya ay gumanti sa iniirog nya,ang akala nya ay masasaktan ang iniirog subalit lalo pang lumayo at pinandirihan na sya..bakit nga nandiri si iniirog?
Sino nga ba ang tatanggi sa palay na lumalapit sa manok,at ang hindi inaasahan ay naganap,.subalit nag-isip ang kaibigan,..ako’y ikakasal na at mahal na mahal ko ang babaing aking pakakasalan..sambit ni kaibigan..subalit ang pakakasalan pala ni kaibigan ay inurong ang kasal sa dahilang hindi alam..
Swerte ko talaga sabi nya..pwede ko sya gamitin para magselos si iniirog ko,..subalit ang kanya palang iniirog ay may kasintahan na,at ang anibersaryo ay ang petsa kung saan sya ay nilisan ni iniirog..
Ano kaya ang nagyari sa dulo ng kwento????
Si iniirog ay nagpakasal sa kasintahan nya…
Si kaibigan ay pinakasalan ang babaing mahal nya…
At sya …ay naiwan mag-isa,punong-puno ng pighati ang buhay at ngayon ay abay na naman sa kasal ng kaibigan nya…at dahan-dahan na naglalakad sa gilid ng simbahan kasama ang pari na magkakasal sa kaibigan nya..
Ano naman nya ang pari?..Ang pari pala ang ka-chatmate nya…
Ha-ha-ha..nakakabaliw..